^

Probinsiya

Kanlaon nagluwa ng higit 7K toneladang asupre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagluwa ng may 7,307 tonelada ng asupre ang Bulkang Kanlaon sa lalawigan ng Negros, batay sa latest monitoring ng Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) kahapon kaugnay ng patuloy na pag-aalboroto ng naturang bulkan.

Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagluwa ng asupre, nakapagtala rin ang Bulkang Kanlaon ng isang volcanic earthquake, pamamaga ng bulkan at katamtamang pagsingaw na may 550 metro ang taas na napadpad sa may silangang bahagi ng bulkan.

Bunsod nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng apat na kilome­trong (4 km) radius Permanent Danger Zone ( PDZ) at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dulot nang posibleng maganap na biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.

Ang Bulkang Kanlaon ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 2 na nangangahulugan ng patuloy na abnormal na kondisyon ng naturang bulkan.

BULKANG KANLAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with