^

Probinsiya

MILF commander, 1 pa sugatan sa ambush

John Unson - Pilipino Star Ngayon
MILF commander, 1 pa sugatan sa ambush
The police is still trying to put a closure to the ambush incident in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte on Monday that left a commander of the Moro Islamic Liberation Front and his aide wounded.
Philstar.com / John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawa ang sugatan kabilang ang commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos silang tambangan ng armadong grupo sa Datu Odin Sinsuat (DOS), Maguindanao del Norte nitong Lunes ng umaga.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Martes ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office at Police Regional Office-Bangsamoro Autono­mous Region, nagtamo ng mga tama ng bala si Garante Tumanggong Kawilan at kasamang si Guimaludin Samad nang pagbabarilin ng mga armado habang sakay ng isang puti na minivan sa Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Napag-alaman, mula sa kanyang mga kamag-anak at mga miyembro ng MILF, na si Kawilan ay isa sa mga commander ng 104th Base Command ng naturang grupo na may peace agreement sa pamahalaan.

Ayon sa mga saksi, gumanti ng putok sina Kawilan kaya bumangga ang motorsiklo ng patakas na sanang mga nag-ambush sa kanila.

Isinalaysay rin ng mga saksi na kanilang ikinagulat ang pagtulong ng ilang mga kalalakihan mula sa hindi kalayuan sa mga salarin matapos maaksidente kaya tuluyan silang nakatakas patungo sa direksyon ng hindi kalayuang probinsya ng Maguindanao del Sur.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with