^

Probinsiya

Kapitan nag-amok: Walang habas na nagpaputok at nanutok ng baril

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines — Sinampahan ng kasong grave threat and alarm and scandal sa City Prose­cutor’s Office ang isang barangay chairman matapos na walang habas na nagpaputok at manutok pa ng baril sa isang konsehal sa Batangas City Linggo ng gabi. 

Kinilala ni PLt. Sharen Ama, Public Information Officer ng Batangas City Police Station ang suspek na si Joven Camacho, chairman ng Barangay Malibayo, Batangas City. 

Nag-ugat ang reklamo mula kay Lobo councilor Leslee Manalo Aguilar na siya umanong tinutukan ng baril ni Camacho. 

Ayon sa report, naka- stand-by umano ang grupo nila Aguilar sa may kubo malapit sa basketball court ng barangay nang dumating ang lasing na si Camacho at armado ng baril bandang alas-9 ng gabi. 

Nagbanta pa umano si Camacho na papatayin niya at uubusin ang lahat ng kanyang makakasalubong habang winawasiwas ang dalang baril. 

Matapos magbanta, naglakad palayo si Camacho habang walang habas na nagpapaputok ng kanyang baril. 

Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing insidente habang inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng pagwawala ng kapitan na pinaghahanap pa rin matapos na tumakas at magtago. 

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with