^

Probinsiya

SUV salpok sa motor at puno: 15-anyos dedo, 5 pa kritikal

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
SUV salpok sa motor at puno: 15-anyos dedo, 5 pa kritikal
Kinilala lamang ang nasawi sa pangalang “John”, 15-anyos, residente ng Brgy. Pacol ng naturang lungsod habang patuloy na nilalapatan ng lunas at inoobserbahan ang mga kasama nito na sina alyas “James”, 21-anyos, ng Brgy. San Felipe; alyas “Antonio”, 17-anyos, ng Brgy. Peñafrancia; at alyas “Isaiah”, 18-anyos, driver ng SUV Mitsubishi Montero na sangkot sa aksidente, residente ng Brgy. Cararayan.
Graphic by Philstar/John Villamayor

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Isang binatil­yo ang nasawi habang lima pa ang kritikal na isinugod sa pagamutan matapos bumangga sa isang motorsiklo at puno ng acacia ang isang SUV sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Concepcion Grande, Naga City, Camarines Sur kamaka­lawa ng madaling araw.

Kinilala lamang ang nasawi sa pangalang “John”, 15-anyos, residente ng Brgy. Pacol ng naturang lungsod habang patuloy na nilalapatan ng lunas at inoobserbahan ang mga kasama nito na sina alyas “James”, 21-anyos, ng Brgy. San Felipe; alyas “Antonio”, 17-anyos, ng Brgy. Peñafrancia; at alyas “Isaiah”, 18-anyos, driver ng SUV Mitsubishi Montero na sangkot sa aksidente, residente ng Brgy. Cararayan.

Sugatan ding isinugod sa pagamutan ang nabanggang motorcycle rider na si alyas “John Rey”, 32-anyos, at residente ng Brgy. Tamban, Tinambac, Camarines Sur.

Sa ulat, dakong alas-2:22 ng madaling araw, mabilis na binabagtas ng Mitsubishi Montero Sports (WOC-657) na minamaneho ni Isaiah ang kahabaan ng highway nang mabundol nito ang sinusundang motorsiklo ni John Rey dahilan para sumemplang sa kalsada ang rider.

Nawalan ng kontrol sa minamanehong SUV si Isaiah at dumiretso itong sumalpok sa puno ng acacia sa tabi ng kalsada.

Mabilis na isinugod ng ambulansya ang duguang mga biktima sa Naga City Hospital at Bicol Medical Center pero hindi na umabot nang buhay ang nasabing driver ng SUV.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with