^

Probinsiya

Food delivery rider pumalag sa ‘agaw-motor’, utas sa tandem

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang food delivery rider ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ng dalawang “motornapper” nang tumangging ibigay ang kanyang motorsiklo tinangay pa ang kanyang motorsiklo, kama­kalawa ng hapon sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City.

Hanggang sa kasalukuyan ay ino­obserbahan pa rin ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na kinilalang si Efren Ligtas, nasa hustong gulang habang hindi naman nakilala ang dalawang suspek na mabilis tumakas tangay ang motorsiklo ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-4:30 ng hapon habang nagpapahinga ang biktima sa gilid ng kalsada ng Brgy. Palico 4, hinggil sa kagagaling lang nito sa pagde-deliver ng pagkain sa Brgy. Buhay na Tubig. Nilapitan siya ng dalawang lalaki na sakay naman ng isang itim na motorsiklo at bigla siyang tinutukan ng baril saka sapilitang inaagaw ang kanyang Honda Click na kulay pula na gamit sa trabaho bilang delivery food rider.

Nagtangka pang tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang motorsiklo na dahilan upang siya ay pagbabarilin ng mga suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang motorsiklo ng biktima na agad namang naisugod sa Imus Medical Center.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with