^

Probinsiya

‘Modernisasyon ng jeepneys kailangan, pero isyu sa PUVMP masusing pag-aralan’

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
‘Modernisasyon ng jeepneys kailangan, pero isyu sa PUVMP masusing pag-aralan’
Alvin Chu Teng.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinuri ng PASADA-CC partylist si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang desisyong ituloy ang modernisasyon sa Public Utility Vehicles (PUVs) sa bansa.

Ayon sa partylist group, na kumakatawan sa mga karaingan ng transport sector mula sa problema sa trapiko, mataas na pres­yo ng langis, maliit o kalimitang kawalang suporta mula sa gobyerno, bagama’t kailangan ang modernisasyon sa mga jeepneys, kailangan ding masusing pag-aralan ang mga karaingan sa sektor ng transportasyon hinggil sa mahal na modern jeepney at iba pa.

“Dapat win-win ang mangyari at walang maiiwan sa tunguhing moder­nisasyon ng transportas­yon sa bansa,” pahayag ni Alvin Chu Teng, tagapa­ngulo ng PASADA-CC partylist.

Iniintindi ng ­PASADA-CC partylist, mula sa pag-iikot nito sa lahat ng panig na bansa, ang mga napakabigat na suliranin ng transport sector, commuters at consu­mers lalo na ang traffic congestion, na ayon dito ay nangangailangan ng long-term planning upang ito’y mawakasan.

“Tama ang Pangulo sa pagtuloy sa modernisas­yon, ngunit tama rin ang Senado na dapat pag-aralan pa ito, kasama ang iba pang mga suliranin gaya ng mga binabanggit na problema sa loob ng LTFRB at iba pang sangay ng pamahalaang nakatututok sa pampublikong transportasyon dahil magkakaugnay ang mga ito,” paliwanag ni Teng.

Tinutuligsa rin ng PASADA-CC partylist and “short-sightedness na pagpaplano ng pamahalaan, bagay na lalo pang nadaragdagan, imbes na malunasan, ang mga problema ng bansa.

“Kung maisaayos ang agrikultura at pagnenegosyo sa kanayunan hanggang sa kalunsuran, gaya ng pagtatatag ng Bulacan Special Economic Zone and Freeport na kinapapalooban na ng P130.9-B investments at magtatalaga ng 1.2M trabaho, sino pa ang nais makipag-siksikan sa mga syudad?” ani ni Teng.

Nananawagan pa si Teng sa hanay ng transportasyon na muling paigtingin ang pagkakaisa-- “dahil ito’y hindi usapin ng mayorya o minorya, kundi pangkabuhayan ng Pilipino.”

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with