^

Probinsiya

Bagitong pulis todas sa ambush sa GenSan!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Bagitong pulis todas sa ambush sa GenSan!
Masusing sinisiyasat ng mga pulis ang bangkay ng kanilang kabaro na si Pat. Jobert Horcedera Moremonte matapos ma- ambush habang lulan ng motorsiklo sa Brgy. Ba- luan, General Santos City nitong Linggo ng mada- ling araw.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay agad sa mga tama ng mga bala ang isang pulis makaraang tambangan at ratratin ng mga ‘di kilalang suspek sa General Santos City kahapon ng madaling araw.

Sa mga hiwalay na ulat ng General Santos City Police Office at ng Police Regional Office-12, sakay ng kanyang motorsiklo si Pat­rolman Jobert Horce­dera Moremonte nang paputukan ng mga kalalakihan na nakaabang sa madilim na lugar sa Purok Mapagmahal, Agan Greenville, Barangay Baluan, General Santos City.

Wala nang buhay si Moremonte na kasapi ng isang unit ng PRO-12 nang datnan ng mga rumespondeng pulis at barangay tanod habang nakadapa katabi ng kanyang motorsiklong Yamaha NMAX sa gilid ng kalye.

Wala ng buhay si Moremonte na kasapi ng isang unit ng PRO-12, nakadapa sa gilid ng kalye sa tabi ng kanyang motorsiklong Yamaha NMAX, ng datnan ng mga pulis at mga barangay tanod na nag-responde sa insidente.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng General Santos police kung sino ang mga nasa likuran ng ambush na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Moremonte na mabilis na nakatakas ayon sa mga saksi.

vuukle comment

PRO-12

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with