^

Probinsiya

Trike driver niratrat ng pasahero, patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Trike driver niratrat ng pasahero, patay!
Kinilala ng Tanauan Police ang biktima na si Reymar Maya Rafol, nasa apprentice status at nakatalaga sa Philippine Coast Guard (PCG) sa Taguig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng kanyang isinakay na pasahero kamakalawa sa Purple Drive Corner Hue Drive, Pacita Homes, Brgy. San Francisco, Biñan City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Anuran, nasa hustong gulang, residente ng Biñan City, Laguna habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin na mabilis tumakas tangay ang armas na ginamit sa krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon na alas-9:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril. Sumakay umano ang suspek sa tricycle ng biktima at habang bumabagtas na sa kahabaan ng Purple Drive, Pacita Homes ng nasabing barangay ay dito na siya pinagbabaril ng una.

Idineklarang dead-on-the-spot ang biktima dahil sa mga tama ng bala ng di pa batid na kalibre ng baril sa kanyang ulo at katawan.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation at operation ang Biñan City Police upang matukoy at madakip ang suspek, at malaman ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

MARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with