2 Chinese timbog sa human trafficking, 13 nasagip
Clark Freeport zone ni-raid ng CIDG
MANILA, Philippines — Nakalawit ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang Chinese national na umano’y sangkot sa illegal recruitment at human trafficking sa Mabalacat, Pampanga kahapon.
Kinilala ni CIDG Director Police Maj. General Leo Francisco ang mga suspek na sina alyas “Tiago” at alyas “Tian Zhu.”
Batay sa ulat ni Francisco kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, isinagawa ang pagsisilbi ng search warrant dakong alas-5:30 ng umaga nitong Martes.
Agad na dinakip ang dalawa matapos magpatupad ang mga operatiba ng CIDG ng pitong search warrant sa Clark Freeport zone.
Naresulta rin ito ang pagsisilbi ng search warrant sa pagkakasagip ng 13 Chinese national, kabilang ang dalawang babae at tatlong menor-de-edad na biktima umano ng mga suspek.
Narekober din sa mga suspek ang iba’t ibang kagamitan kabilang ang mga vault, foreign currencies, dokumento, computers, cellphones, at iba pang gadgets, gayundin P167,400.00 na cash.
- Latest