^

Probinsiya

Higit 10K pulis ng PRO 5 todo-bantay sa Balik-Eskwela

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Aabot sa 10,200 na pulis o halos 85 porsyento ng buong pwersa ng Police Regional Office 5 ang dineploy sa iba’t ibang lugar sa Kabikolan upang magbantay sa unang araw ng pasukan kahapon sa buong rehiyon para masi­guro ang seguridad ng mga batang mag-aaral, mga magulang, guro at mga paaralan.

Kasama si Col. Rolly Albania, hepe ng Regional Community Affairs Development Division, Albay provincial director Col.Julius Annonuevo at Legazpi City chief of police Lt. Col. Ray Anthony Villanueva personal na binisita ni PRO5 regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon ang ilang mga elementary schools sa Legazpi City at tiningnan ang kahandaan ng kanyang mga tauhan na inilagay sa mga paaralan upang magbantay ng trapiko at seguridad.

Sumama pa si Dizon sa ginawang flag raising ceremony sa Cabangan Elementary School sa lunsod at panunumpa ng katapatan sa watawat.

Ayon kay Dizon, 85 porsyento ng bilang ng mga pulis sa rehiyon ay pinalabas niya ng mga police stations at pinagbantay sa 4,467 na bilang ng mga paaralan sa rehiyon.

Karamihan sa kanila, tumayo sa mga kalsada at nagmando ng trapiko, nagsagawa ng police vissibility hindi lang sa mga paaralan kundi sa mga matataong lugar gaya ng mga terminal at sakayan. Naglagay rin ng mga police help desks sa mga paaralan.

Sa paglilibot ng opis­yal, nagpaabot siya ng mensahe sa mga batang mag-aaral hinggil sa importansya ng edukasyon at siniguro ang mahigpit na seguridad para sa kanila ng kapulisan mula sa pagpasok hanggang sa uwian.

vuukle comment

PEREZ DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with