^

Probinsiya

Waiting shed nasapol ng kidlat: Babaeng sumilong dedo, 1 pa grabe

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY MANILA, Philippines — Agad na namatay ang isang motoristang babae habang malubha ang kanyang kasama ng tamaan sila ng kidlat habang nakasilong sa roadside waiting shed sa Barangay Kayaga sa Pandag, Maguin­danao del Sur habang umuulan sa kapaligiran nitong Linggo ng hapon.

Sa inisyal na pahayag nitong Lunes ng mga barangay officials at ni Lt. Ernesto Rivera ng Pandag Municipal Police, ang nasawi na si Yvonhy Magalso at ang kasamang babae na agad na isinugod sa hospital ay magkaangkas sa isang motorsiklo mula sa Carmen, Cotabato at patungo sana sa Tacurong City, ngunit napilitang sumilong sa naturang waiting shed dahil biglang umulan.

Ayon sa mga saksi, biglang kumidlat at tinamaan ang waiting shed na nagsanhi ng pagtilapon palabas at agarang pagkamatay ni Magalso, na ang kasamang naisugod sa isang hospital ay inaalam pa ng mga imbestigador ang tunay na pangalan dahil walang itong dala ni isa mang identification card.

Ipinaabot na ng lokal na kinauukulan sa pamilya ni Magalso ang kanyang pagkamatay sa naturang insidente at nasa kustodiya na rin ng pulisya ng gamit nya at ng kanyang kasama na motorsiklong Suzuki Raider 150. 

vuukle comment

ERNESTO RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with