^

Probinsiya

1 pang motor tanker lumubog sa Bataan!

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
1 pang motor tanker lumubog sa Bataan!
The Philippine Coast Guard (PCG) conducted a rescue mission for a Philippine-flagged tanker that capsized and sank in waters off Manila early Thursday morning July 25, 2024.
Facebook/PCG

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may isa pang motor tanker ang lumubog sa katubigan ng Bataan nitong Sabado.

Sinabi ni PCG Spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo, ang MTKR Jason Bradley ay lumubog sa bahagi ng Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan.

Nang puntahan alas- 5:00 ng hapon ng Hulyo 27 ay nakumpirma ito.

Sa initial underwater assessment, nakitaan na ito ng manipis na bakas ng langis kaya agad na naglagay ng spill boom upang maagapan ang pagkalat ng langis.

Nauna rito, lumubog ang oil tanker na MT Terra Nova na may dalang 1.4 milyong litro ng industrial fuel sa may 7 kilometers east ng Limay, Bataan noong Huwebes, Hulyo 25 sanhi ng pagkasawi ng isang tripulante at oil spill.

Ayon sa PCG, sinimulan na kahapon ang pagsipsip sa industrial fuel oil na lulan ng lumubog na motor tanker sa Limay, Bataan.

Sinabi PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, maaaring tumagal ang naturang operasyon sa loob ng isang linggo.

Ani Balilo, ang pagkuha ng langis mula sa lumubog na MT Terra Nova ang pinakamabisang pa­raan upang maiwasan ang oil spill sa Manila Bay.

“Pinaka-ultimate dito yung matanggal yung langis sa ilalim... Nandoon na yung salvage operator, magsisimula sila today (Linggo),” wika ni Balilo sa isang panayam sa radyo.

Una nang nilagyan ng PCG ng dispersants at booms ang lugar kung saan lumubog ang motor tanker upang mapigilan ang oil spill.

Nilinaw rin ni Balilo na kakaunti lamang ang tumatagas na langis dahil buo naman aniya ang tangke na pinaglalagyan nito.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with