^

Probinsiya

Commuter van sinuwag ng tren: 12 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay, Philippines — Sugatan ang 12-pasahero ng isang commuter van matapos tinangkang tumawid ng railroad crossing at mabangga ng papara­ting na tren sa Brgy.Gapo ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang sugatang 12-mga pasahero na hindi na lahat pinangalanan.

Masuwerte namang nakaligtas at walang tinamong sugat ang dri­ver ng van na kinilalang si Larry Ombao Marilla, 35-anyos, residente ng Brgy.White Deer-Poblacion, Pio Duran, Albay.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon ga­ling ng Brgy. Pandan patu­ngong Brgy. Dinoronan ng naturang bayan ang Toyota Hi-Ace commuter van na may plate number NHR-8115 na minamaneho ni Marilla.

Gayunman, marahil hindi nito napansin ang paparating na commuter train na may body number 9003 na pinatatakbo ng makinistang si Jade De Jesus dahilan para mabangga ang sasakyan.

Naitulak pa ng tren ang van sa layong 78-talampakan mula sa railroad crossing bago ito humimpil kung saan nawasak ang kanang bahagi ng sasakyan dahilan para masugatan lahat ang mga sakay nito.

Mabilis na sinaklolohan ang mga sugatang pasahero at isinugod sa pinakamalapit na hospital.

Dahil sa magkakasunod na aksidente ay patuloy sa panawagan ang PNR management sa lahat ng residente at motorista na mag-ingat lagi at mag-obserba kung may paparating na tren bago tumawid.

vuukle comment

COMMUTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with