^

Probinsiya

Dahil sa pagsita sa curfew...Pulis binaril ng totoy, todas!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa pagsita sa curfew...Pulis binaril ng totoy, todas!
Dead-on-the-spot ang biktimang si Police Staff Sergeant Orvin Seth Lim Felicio, ng Consolacion, Cebu at naka-assign sa Mandaue City Police Station 5.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis nang barilin ng isang lalaking menor-de-edad na kanyang sinita sa curfew kahapon ng madaling araw sa Brgy. Banilad, Manadue City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Police Staff Sergeant Orvin Seth Lim Felicio, ng Consolacion, Cebu at naka-assign sa Mandaue City Police Station 5.

Nangyari ang pamamaril dakong alas-12:10 ng madaling araw kahapon sa P. Remedios Street, Barangay Banilad, Mandaue City.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang menor-de-edad na suspek matapos na sumuko sa kanyang guro.

Ayon kay  Police Lieutenant Colonel Mercy Villaro, information officer ng Mandaue City Police Office (MCPO), sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima upang sunduin ang kanyang misis nang mapansing tumatakas ang isa sa mga menor-de-edad na hinuhuli ng barangay dahil sa curfew.

Hinabol ng biktima ang binatilyo subalit bigla na lamang pinaputukan ng huli ang pulis sa ulo at braso at saka mabilis na tumakas.

Agad namang nagsagawa ng manhunt ang mga pulis subalit bigo na mahanap ang suspek.

Makalipas ang ilang oras, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang guro na sumuko sa kanya ang suspek.

Ayon sa suspek, tumakas siya dahil sa takot na makulong sa police station dahil sa pagdadala ng baril.

Sinasabing miyembro umano ng “Crips Gang” ang minor na suspek.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with