^

Probinsiya

Pangulong Marcos: Water impounding facilities, epektibong solusyon kontra baha

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos na ipatayo ang mas maraming water impounding facilities sa mga lalawigan sa gitnang Luzon bilang pangmatagalang solusyon sa pagbabaha.

Ito ang binigyang diin ng pangulo sa ginanap na situational briefing kahapon sa Kapitolyo ng Bulacan sa lungsod ng Malolos, kaugnay ng mga pinsalang idinulot ng bagyong Carina.  Ito aniya ang pinakamainam at epektibong solusyon sa pagbabaha sa rehiyon.

Ipinaliwanag ni Pangulong Marcos na bagama’t may ginagawang mga dredging o paghuhukay sa mga anyong tubig at  mga pumping stations upang higupin ang tubig palabas sa Manila Bay, makakatulong ang mga water impounding facilities sa sabay-sabay na sitwasyon gaya ng pagbuhos ng malakas na ulan, pagpapakawala ng mga dams at ang high tide.

Sinabi naman ni Bulacan Gov. Daniel Fernando na sinimulan na ng National Irrigation Administration o NIA ang konstruksiyon ng Bayabas Dam sa bayan ng Donya Remedios Trinidad. Ang P2.4 bilyong Bayabas Small Reservoir Irrigation Project ay mag-iipon ng mga sobrang tubig sa bahaging ito ng kabundukan ng Sierra Madre.

Sa panahon ng tag-araw, isasalin ito sa Angat-Bustos Dam system upang mapatubigan ang 150 ektaryang mga lupang sakahan ng palay sa Bulacan.

Maiiwasan ang mga kagaya ng P103.7 milyong pinsala sa agrikultura o pagsasaka sa Bulacan at P95 milyon sa Bataan. Malaki rin ang pinsala sa aspeto ng imprastraktura dahil sa malawakang pagbaha. Sa Bulacan, may inisyal na P789 milyon ang nasirang mga kalsada, tulay at ilang pampublikong pasilidad.

Tiniyak din ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tuluy-tuloy ang paghahatid ng mga family food packs sa tatlong lalawigan. Aabot sa 90,086 na mga family food packs ang naipadala na ng DSWD sa Bulacan habang may paparating pang 109,781. Sa Pampanga, nakapagpadala na ng mahigit 107 libo at may karagdagan pang 42 libo. Habang nabigyan na ng 62,119 ang Bataan at 96,000 pa ang ipapadala ng DSWD.

Ayon naman kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, maglalaan ang DOLE ng P176 milyon para sa programang Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/displaced workers o TUPAD kung saan P46 milyon ang para sa Bulacan.

Sa panig ni Health Sec Teodoro Herbosa, magkakaroon aniya ng pagsusuri sa kalidad ng mga inuming tubig o potable water sa rehiyon ngayong nagkaroon ng malawakang pagbabaha. Gayundin ang pagsusulong na mabakunahan ang mga bata.

vuukle comment

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with