^

Probinsiya

Gun for hire group sinalakay, 2 pulis sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Gun for hire group sinalakay, 2 pulis sugatan
Hanggang kahapon ay nananatili sa intensive care unit sa Bicol Regional Hospital and Medical Center pero nasa mabuti na umanong kalagayan ang dalawang pulis na kapwa hindi na binanggit ang mga pangalan.
STAR/File

PIO DURAN, Albay, Philippines — Sugatan ang dalawang pulis habang arestado naman ang dalawang kasapi ng gun for hire na “Dasmo Brothers” matapos salakayin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang hideout sa Sitio Tinago, Brgy.Basicao, Pio Duran, Albay, kamakalawa ng umaga.

Hanggang kahapon ay nananatili sa intensive care unit sa Bicol Regional Hospital and Medical Center pero nasa mabuti na umanong kalagayan ang dalawang pulis na kapwa hindi na binanggit ang mga pangalan.

Sa ulat, alas-5:30 ng umaga sa bisa ng search warrant na inilabas ng Ligao City Regional Trial Court dahil sa pagtatago ng mga baril katuwang ang PNP-Special Action Force, 1st Provincial Mobile Force Company, Pio Duran Municipal Police Station ay sinalakay ng mga operatiba ng CIDG-Albay Field Unit sa pangunguna ni Lt.Col.Joseph Maribay ang magkakatabing bahay ng Dasmo Brothers. Papalapit pa lang umano ang mga pulis ay pinutukan na sila dahilan para masapol agad ang dalawang operatiba. Gayunman, hindi nagpatinag at nakipagpalitan sila ng putok sa sindikato hanggang mahuli nila ang dalawa sa mga suspek na sina Rio Dasmo, 24, at isang hindi na muna pinangalanan.Nakatakas naman ang magkakapatid na sina Elmer, 34; Rael; Tatang Dasmo; at isang alyas Tigbas.

Ayon kay Lt.Col.Maribay hindi sila direktang makapagpaputok sa mga suspek dahil sa ginawang “human shield” ng mga ito ang mga kaanak na bata at babae.

Ang Dasmo Brothers ay sangkot sa panghoholdap, extortion activity, gun for hire at iba pang kriminal na gawain sa Albay at kanugnog na mga bayan. Nasamsam sa mga bahay ng suspek ang apat na piraso ng Kalibre 45 baril, mga magazine, bala at isang granada.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with