^

Probinsiya

Vape shop niransak, higit P200K halaga ng produkto, tinangay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Vape shop niransak, higit P200K halaga ng produkto, tinangay
An individual smokes an electronic cigarette or vape at a designated smoking area in Quezon City on May 31, 2024.
STAR/ Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit P200,000 halaga ng mga vape product ang nata­ngay ng mga hindi nakilalang suspek makaraang ransakin ng mga ito ang tindahan, kamakalawa sa Timalan Concepcion, Naic, Cavite.

Sinamantala ng mga suspek ang kasagsagan ng malakas na ulan at pinasok ng mga ito ang JNE Vape Shop na pag-aari ng biktimang si Jeanet Lontoc, ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:00 ng umaga nang ransakin ng mga hindi nakilalang suspek ang nasabing shop sa pamamagitan ng pagwasak sa padlock ng roll up door nito.

Tinangay ng mga suspek ang ibat ibang uri ng vape, vape pods at mga juices na aabot sa mahigit kumulang sa P200,000.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with