^

Probinsiya

Obrero nahulog sa puno ng mangga, dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Obrero nahulog sa puno ng mangga, dedo
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay ay kinilalang si Anisito Sildo, 43, may live-in partner at residente sa nasabing lugar.
STAR/File

TIAONG, Quezon, Philippines — Isang construction worker ang nasawi matapos bumagsak na una ang ulo ng mahulog sa inakyat nitong punong mangga sa Barangay Talisay sa bayang ito kamakalawa ng tanghali.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay ay kinilalang si Anisito Sildo, 43, may live-in partner at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, alas-12:00 ng tanghali ay umakyat sa puno ng mangga ang biktima upang manguha ng mga bunga,subalit nang nasa 20 talampakan na ang taas ng inakyat nito ay nabali ang sanga na kanyang inaapakan na naging sanhi upang mahulog ito sa lupa na una ang ulo.

Mabilis na dinala ang biktima ng mga nakasaksi sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival dahil sa grabeng tinamong pinsala sa ulo.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with