^

Probinsiya

Magkaangkas sa motor binoga, isa patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaking rider habang sugatan ang kanyang angkas matapos pagbabarilin sa kahabaan ng national highway sa Zone-7, Brgy.Mangga, Sipocot, Camarines Sur,kamakalawa ng umaga.

Namatay dahil sa mga tama ng bala sa katawan ang biktima na kinilalang si Butch Valdez,may-asawa, residente ng Brgy. San Felipe habang agad naisugod sa Bicol Regional Geriatic Hospital and Medical Center sa bayan ng Cabusao ang sugatang si King Russel, residente ng Brgy.Magsaysay, pawang ng Naga City.

Sa ulat, alas-6:40 ng umaga magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima patungo sa Brgy.Calampinay ng naturang bayan nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek mula sa kanilang likuran.

Agad rumesponde ang mga kasapi ng Sipocot Municipal Police Station pero hindi na inabutan ang mga salarin. Mabilis nilang dinala sa pagamutan si Russel.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with