^

Probinsiya

Batanes itinaas sa Signal No. 2; 9 lalawigan signal no.1

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinaas na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 2 ang lalawigan ng Batanes partikular na ang mga bayan ng Itbayat, Basco, Mahatao, Uyugan at Ivana sanhi ng malalakas na pag-ulan na dala ng bagyong Carina ,ayon sa ulat nitong Martes.

Sa 11.a.m. bulletin na ipinalabas nitong Martes ng PAGASA, nakataas naman ang signal number 1 ang kabuuan ng Batanes (Sabtang); Cagayan kabilang ang Babu­yan Islands, sila­ngang bahagi ng Isabela (Divilacan,Maconacon, Palanan, Dinapigue, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Cabagan , San Pablo at Sta Maria.

Gayundin ang hilagang bahagi ng Apayao ( Calanasan, Luna, Pudtol, Flora at Santa Marcela; hilagang bahagi ng Ilocos Norte ( Pagudpud, Bangui Adams, Dumalneg, Burgos at Vintar; hilagang bahagi ng Aurora ( Dilasag at Casiguran).

Idinagdag pa dito ang Polillo Islands, Calaguas Island at ang hilagang bahagi ng Catanduanes (Bagamanoc, Pandan, Panganiban, Viga, Gigmoto at Caramoran ) sa Luzon.

Ang bagyong Carina ay may taglay na lakas ng hangin na nasa 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at bilis na nasa 170 KPH kung saan ang bagyo ay kumikilos pakanlurang direksiyon sa lakas na 15 KPH.

Ayon sa state wea­ther bureau ang mata ng bagyo ay tinatayang nasa 320 KMS sa sila­ngan ng Basco, Batanes na nasa 405 KMS sa silangan-hilagang sila­ngan ng Aparri, Cagayan.

Idinagdag pa ng PAGASA sa kabila nito ay malayo pa sa landmass ng bansa ang bagyo.

Inulat pa na si Carina ay maglala-landfall sa hilagang bahagi ng Taiwan sa pagitan ng Miyerkules ng gabi at Huwebes ng umaga at tuluyang lilisan na sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ilang oras matapos ito.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with