^

Probinsiya

Drug suspect tiklo sa P3.6 milyong marijuana

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon
Drug suspect tiklo sa P3.6 milyong marijuana
Ang illegal drugs ay nakalagay sa dalawang kahon na nakumpiska sa suspek na si Shaibah Pakiang, 48, sa isinagawang operation sa Barangay Centro 11 pasado alas-2:20 ng hapon.

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug suspect at nasamsam dito ang 30 pakete ng marijuana na nagkakahalaga ng P3.6 milyon sa drug operation sa Tuguegarao City, Cagayan nitong Linggo ng hapon.

Ang illegal drugs ay nakalagay sa dalawang kahon na nakumpiska sa suspek na si Shaibah Pakiang, 48, sa isinagawang operation sa Barangay Centro 11 pasado alas-2:20 ng hapon.

Sa ulat, tinanggap ng suspek ang P50,000 marked money mula sa mga ahente ng PDEA na nagkunwaring drug buyers.

Nakumpiska rin ang brown shoulder bag at cell phone mula sa  suspect na nakakulong na at kinasuhan ng drug trafficking.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with