^

Probinsiya

Higit P2 milyong marijuana samsam sa Dasma

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Higit P2 milyong marijuana samsam sa Dasma
Arestado ang suspek na kinilala sa alyas na “Bob”, nasa hustong gulang, kabilang sa High Value Individuals (HVIs) list ng pulisya at residente ng nasabing lugar.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Aabot sa mahigit P2 milyong hala­ga ng Marijuana Kush at liquid marijuana ang nakumpiska sa isang big-time drug pusher sa inilatag na buy-bust ope­ration ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Brgy. Victoria Reyes. Dasmariñas City.

Arestado ang suspek na kinilala sa alyas na “Bob”, nasa hustong gulang, kabilang sa High Value Individuals (HVIs) list ng pulisya at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:45 ng gabi nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng Intel/City Drug Enforcement team ng Dasmariñas Component City Police Station, Provincial Drug Enforcement unit,  Cavite  PPO, PNP-Drug Enforcement Group-4A SOU Ca­vite at RIU4A-PIT Cavite, ang isang malakihang drug bust target ang suspek .

Sa Barangay Victoria Reyes, isinagawa ang drug deal na ikinaaresto agad ng suspek.

Narekober sa suspek ang may 32 piraso ng may black label cart ­liquid marijuana; 27 piraso ng may white label cart liquid­ marijuana na aabot sa halagang P21,632; 3 malalaking zip lock  plastic ng high grade marijuana o kush na may timbang na 1,020 gramo at may halagang P1,700,000; isang brick ng marijuana; 2 mala­king plastic zip lock ng dried leaves marijuana; 2 clear wrap dried leaves marijuana; 2 brown packaging tape na may mga dahon ng marijuana at mahgit 5000 gramong marijuana na may halagang P600,000.

Narekober din sa suspek ang 7 piraso ng tig-1,000 peso bill na boodle money at isang genuine P500.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with