^

Probinsiya

PUP-Laguna binulabog ng bomb threat, exams ng mga estudyante kinansela

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines — Idineklara ng pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines-San Pedro ang pansamantalang pagkansela ng eksaminasyon ng mga estud­yante dahil sa napa­ulat na bomb threat sa paaralan ng Unibersidad noong Biyernes.

Sinabi ni Lt. Col. Jaime Federico Jr. San Pedro police chief na ang bomb threat ay negatibong resulta matapos ang mga ope­ratiba ng EOD (Explosive Ordinance Division) kasama ang mga lokal na awtoridad at K9-dogs ay nagsagawa ng sabay-

sabay na operasyon sa paghahanap mula sa bawat silid at gusali.

Sinabi ni Federico na ang bomb threat ay ipinasa ng email address na dathu datubuana gmail.com sa email addresscsc.pupspc1 gmail.com, isang opisyal na email address ng PUP San Pedro Student Council.

Ang banta ng bomba ay iniulat ng isang Johncel Tawat, 28, isang propesor sa himpilan ng pulisya noong Biyernes dakong alas-6:30 ng gabi.

Matapos ang tatlong oras na naghahalughog sa buong campus, idineklara ang mga opera­tiba ng EOD at lokal na pulisya na walang bomba sa lugar ng paaralan.

“It’s a frank or false, may schedule noong July 19 to Aug. 10 for examination of the students, We suspected that there is someone or somebody want to postpone the examination,” ani Federico.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ngayon ang mga imbestigador sa anti-cyber crime unit 4A para tuklasin kung saan nanggaling ang bomb threat.

BOMB THREAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with