^

Probinsiya

Holdaper sa kapihan, 1 akyat bahay, naaresto

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang 37-anyos na lalaking armado ng baril na nangholdap sa isang coffee shop sa Brgy. Kaypian ng nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jose Amurao Saldivar Jr, ng Brgy. 188, North Tala, Caloocan.

Sa report ng SJDM police station,naganap ang insidente,alas-8:00 ng gabi sa University Heights, Brgy. Kaypian.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng suspek na armado ng caliber .38 ang coffee shop at nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng suspek ang limang celphone ng ilang indibiduwal na nasa kapehan hanggang sa tumakas lulan ng motorsiklo.

Agad humingi ng tulong ang may-ari ng kapehan sa pulisya na mabilis na rumesponde at nahuli kalaunan ang suspek na kung saan nabawi ang mga tinangay na cellphone at ang baril na ginamit.

Samantala,alas-11:00 ng gabi ay naaresto ng  mga nagpapatrul­yang tanod ang suspek na si Ernesto Redubla, 32 ng  Brgy. Gumaoc West matapos na pagnakawan ang  isang bahay at tinangay ang pitaka na may lamang P8,000.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with