^

Probinsiya

Ginang arestado sa ‘kidnap me’ – PNP

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Ginang arestado sa �kidnap me� � PNP
Ayon sa ulat ng  awtori­dad, inaresto nila mismo ang ginang na unang makikita sa isang video na kinidnap siya at ang dalawa niyang anak na edad 8 at 9, ng isang suspek na nanghihingi ng P1.5 milyong ransom sa kanyang biyenan kapalit ng kanilang kalayaang mag-iina.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

‘Pagdukot sa mag-iina, gawa-gawa lang’

LAGUNA, Philippines — Sinabi kahapon ng pulisya na lumalabas sa kanilang imbestigasyon na isang kaso ng “kidnap me” o “kidnap us” ang naiulat na pagdukot sa isang ginang at dalawang menor-de-edad niyang anak sa Sta. Rosa City noong Huwebes.

Ayon sa ulat ng  awtori­dad, inaresto nila mismo ang ginang na unang makikita sa isang video na kinidnap siya at ang dalawa niyang anak na edad 8 at 9, ng isang suspek na nanghihingi ng P1.5 milyong ransom sa kanyang biyenan kapalit ng kanilang kalayaang mag-iina.

Ang ginang ay dinakip sa hot pursuit operation ng mga awtoridad sa Nelson Nelson Carvajal apartment sa Barangay San Antonio, Parañaque City, Metro Manila.

Ayon kay Lt. Col. Dwight Fonte Jr. Sta. Rosa City police chief, isang kaso ng paglabag sa R.A. 7610 o kidnapping ang isinampa sa Santa Rosa City Prosecutor Office laban sa naarestong si Marie Dawin Angeles Tiamson, 30, residente ng Barangay Aplaya, Sto. Si Rosa City at ang umano’y kinakasama nito na kinilalang si alyas Jessie Boy, 26, ng Nelson Carvajal apartment ay tinutugis ng mga pulis.

Nasagip naman at hindi nasaktan ang dalawang anak ni Tiamson habang natutulog sa loob ng silid nang salakayin ng magkasanib na elemento ng Regional Special Ope­ration Unit at Regional Intelligence Unit4A at Anti-kidnapping Group-Luzon Field Unit.

Ayon kay Fonte, ang ina ng mga bata na napaulat na kinidnap ay naging isang suspek kasama ang kasabwat na live-in partner.

Ang inisyal na hini­hingi ng mga suspek ay P1,500,000 na napababa sa P100,000 bilang kapalit ng kalayaan ng mag-iina na pinakikita sa unang video na dinukot.

“Inamin niya (suspek) sa kanyang ina at kapatid na gawa-gawa niya ang pagkidnap para pilitin ang kanyang mga biyenan na magpadala ng pera upang mabayaran ang kanyang napakalaking utang,” pahayag ni Fonte.

Nalaman ng pulisya ang lokasyon ng suspek sa inuupahang apartment sa Parañaque City noong Biyernes sa tulong ng Regional Anti-Cyber Crime Unit-4 para sa technical assistance at posibleng matunton ang kinaroroonan ng mga biktima.

Unang inireport ni Barangay Captain Fe Villanueva, ng Barangay Aplaya, sa himpilan ng pulisya ang umano’y insidente ng kidnapping sa mag-iina.

Makikita sa video na nakagapos ang ina kasama ang dalawang anak habang ang lalaking kasabwat ay nakipag-ugnayan sa biyenan ng una sa pamamagitan ng messenger at humihingi ng P1,500,000 cash kapalit ng kalayaan umano ng mag-iina.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with