^

Probinsiya

Cessna plane nag-overshoot sa runway, sumalpok sa bahay: Piloto sugatan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Cessna plane nag-overshoot sa runway, sumalpok sa bahay: Piloto sugatan
Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippinees (CAAP) ang pagsadsad ng isang trainer Cessna plane sa runway ng Plaridel Air- port at sumalpok sa isang bahay na ikinasugat ng piloto nito sa Plaridel, Bulacan nitong Sabado ng hapon.
CAAP

PLARIDEL, Bulacan, Philippines — Isang piloto ang bahagyang nasugatan at masuwerteng hindi nasaktan ang kasamang student pilot matapos na aksidenteng nag-overshoot ang minamanehong Cessna 152 plane sa runway ng Plaridel Airport at sumalpok sa isang bahay sa nasabing bayan, kama­kalawa ng hapon.

Base sa paunang ulat ng pulisya, ang eroplano ay minamaneho ng pilotong si Dennis Ordinaryo, 26, kasama ang student pilot na si Hazel Mae Labador, 19.

Base rin sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines,  nangyari ang insidente bandang ala-1:50 ng tanghali nitong Sabado, sa mismong paliparan sakop ng Brgy. Lumang Bayan, Plaridel.

Nabatid na lumapag nang matagtag ang trainer Cessna plane na may registration RP-C5656 hanggang sa aksidenteng lumagpas ito sa dulo ng Runway 35 saka sumadsad at umabot sa kabilang bakuran ng residential area at bumangga sa isang bahay.

Wala namang tao sa nasabing bahay nang maganap ang insidente.

Dahil dito, agad namang rumesponde ang Aircraft Rescue and Fire Fighting vehicle ng pali­paran na nagdala sa pilot na bahagyang nasugatan sa ospital para sa paunang lunas.

Sinasabing “insufficient airspeed” ang sinisilip ng mga awtoridad na dahilan ng naturang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulan sa naturang insidente.

CESSNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with