^

Probinsiya

Civilian police informer, todas sa gunrunner

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Civilian police informer, todas sa gunrunner
ng mga nakumpiskang mahahabang armas mula sa isang gun dealer na nakatakas sa ikinasang entrap- ment operation ng mga pulis na nauwi sa shootout na ikinamatay ng kanilang civilian informer nitong Biyernes ng gabi sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang civilian police informer  matapos na manlaban ang isang illegal gun dealer sa kasagsagan ng entrapment operation nang makatunog na mga pulis ang kanyang nabentahan ng mahahabang armas sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Biyernes.

Ayon kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang suspek na kinilala lang sa mga alyas na “Kits” at “Kuramber”, ay tinutugis na ng mga intelligence operatives ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office at Sultan Kudarat Municipal Police Station.

Sa ulat, agad na bumunot ang nasabing gunrunner ng pistol at pinaputukan ang mga operatiba ng Sultan Kudarat MPS, na pinamumunan ni Police Lt. Col. Esmael Madin, at kanilang mga civilian informers, nang matunugan nito na mga pulis ang kanyang nabentahan ng dalawang M14 assault rifles at isang bolt-action .22 caliber rifle sa naganap na “gun trade” operation sa Barangay Ungap sa Sultan Kudarat.

Napuruhan ng bala at nasawi ang police asset na si Datudido Kamad Mamaluba, na siyang tumulong sa Sultan Kudarat municipal police force sa isinagawang entrapment operation laban sa suspek na kamalasan ay nauwi sa shootout.

Matapos na mabaril ang biktima, mabilis na nakatakbo ang suspek na sinamantala ang pagka­kagulo ng mga residente dulot ng sunud-sunod na putok ng baril sa shootout.

PREXY TANGGAWOHN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with