^

Probinsiya

Bus vs pick-up: 11 patay  

Victor Martin, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Mga biktima galing sa lamay...

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang 11 sakay ng pick-up truck habang lima ang sugatan nang maaksidenteng masalpok ng pampasaherong bus sa Abulug, Cagayan, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Abulug Municipal Police ang mga nasawing biktima na sina Rodolfo Time Sr., anak na si Rodolfo Jr., Evelyn, Christina Jane, Mary Jane, Lovely, Crishia Shane, Kimberly Mangupag -Time, Rodelyn, Angel; at Esmerald Israel na pawang mga sakay ng pickup.

Sinabi ni PMaj. Antonio Palattao, hepe ng PNP Abulug na batay sa kanilang imbestigasyon, alas-12:10 ng madaling araw kahapon nang mangyari ang  aksidente.

Nabatid na palabas mula sa inner road ng junction ng Ayaga sa lalawigan ng Apayao papunta sa national highway ang Toyota Hilux na pick-up na may plakang AAU 5780 nang banggain ng Saint Joseph Bus  na may plakang NBJ 3183 ng  GV Florida Bus Line.

Sa lakas nang pagbangga ay tumilapon mula sa pick-up ang 11 pasahero na kung saan ay inararo pa ang mga tindahan sa pa­ligid. Agad isinugod sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

Lumalabas na galing sa lamay ng yumaong kaanak sa Sta. Marcela, Apayao ang mga sakay ng pick-up at pauwi na sana sila sa bayan ng Allacapan nang maganap ang aksidente.

Tanging nakaligtas sa mga sakay ng pick-up ay ang driver na si Nestor Mangupag at dalawang dalagita na sina Loveliness at Kyla na ngayon ay nasa ospital sa Abulug.

Nasugatan din sa insidente ang driver ng bus na si Jay-jet Andrad at kundoktor na si Christopher Tapec at bystander na si Consolacion Jimenez.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang driver ng bus.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with