^

Probinsiya

Landslide: 4 obrero nalibing nang buhay

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na construction worker ang kumpirmadong nasawi habang da­lawa ang sugatan nang bumagsak ang kongkretong pader sa  isang construction site ng ginagawang bahay matapos ang pagguho ng lupa sa Brgy.Dela Paz, Antipolo City, Rizal,kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Fernando Macalindong Jr., 32;Romulo Perdigon Jr., 37;Edgardo Empleo, 56; at Albert Lopez, 33, pawang mga construction worker ng Framego 101 Corp. na may tanggapan sa Aurora Blvd.,Project 3, Quezon City.Habang ang mga sugatan ay sina Roben James Ibaez, 20;Juan Panza; na dinala sa Quirino Memorial Medical Center Hospital sa Quezon City.

Sa ulat na natanggap ni P/Col. Felipe Maraggun, Rizal police director, alas-3:40 ng hapon ay nililinis ng mga manggagawa ang pundasyon ng retaining wall na hinukay sa kahabaan ng Fairmount subdivision nang ito ay gumuho.

Iniulat lamang ang insidente,bandang alas-8:20 ng gabi at  nakuha ang bangkay nina Macalindong at Perdigon makalipas ang isang oras habang magkasunod na narekober sina Lopez at Empleo.

Sinabi ni Maraggun na ang unang dahilan ng insidente ay pagguho ng lupa dahil pa­tuloy na pag-ulan sa lugar. (Doris Franche-Borja,Mer Layson)

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with