^

Probinsiya

Ginang ‘di sinasadyang napatingin sa lalaki, tinodas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang 35-anyos na ginang matapos barilin nang hindi sinasadyang mapatingin sa  suspek naganap kamakalawa sa Brgy.Ubaliw, Oas, Albay.

Napuruhan ng punglo sa tagiliran na tumagos sa dibdib ang biktima na kinilala lamang sa pangalang “Amelia”, residente ng naturang barangay.

Tinutugis ang 30-anyos na suspek na kinilalang si Berto na tumakas kasama ang kanyang kinakasama makaraan ang pamamaril.

Sa ulat, habang nasa harap ng nirerentahang bahay ang suspek ay hindi sinasadyang napatingin sa kanya ang biktima.

Sa hindi malamang dahilan ay nagalit ito at pumasok sa bahay at paglabas ay armado na umano ng Kalibre 45 baril at walang kaabug-abog na pinutukan sa katawan ang biktima na duguang bumulagta at nasawi.

Kasama ang kinakasama ay mabilis na tumakas ang suspek. Agad namang rumes­ponde ang mga pulis pero hindi na dinatnan si Berto. Patuloy sa ginagawang imbestigasyon at pagtugis sa suspek ang mga pulis.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with