^

Probinsiya

Kasapi ng NPA, bulagta sa engkuwentro

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MASBATE CITY, Masbat, Philippines — Bulagta ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos masapol sa isang enkwentro sa mga sundalo ng Phi­lippine Army sa Brgy.Igang ng lungsod na ito,kamakalawa ng umaga.

Nasa punerarya at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng nasawing lalaking kadre na napuruhan ng bala sa katawan na kasapi ng Komiting Larangan Gerilya-North, ng NPA sub-regional guerilla 4.

Sa ulat,alas-8:00 ng umaga nagsasagawa ng military operation sa lugar ang mga kasapi ng 96th Infantry Battalion, 9th Infantry “Spear” Division Philippine Army nang makasagupa nila ang tinatayang 15 mi­yembro ng NPA.

Umabot ng 10-minuto ang palitan ng putok hanggang tumimbuwang ang kadre dahilan para magsitakas ang mga kasama patungo sa ibat-ibang direksyon.

Narekober ng mga sundalo sa lugar ng engkwentro ang isang M16 Armalite Rifle, isang M14 Rifle at personal na mga gamit ng mga komunista.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with