^

Probinsiya

Cellphone shop niransak: P300K gadgets nilimas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Niransak ng hindi bababa sa dalawang katao ang isang cellphone shop at natangay ng mga suspek ang iba’t ibang uri ng gadgets, kamakalawa sa Brgy. Lucsuhin, Ibaba Alfonso, ng lalawigang ito.

Aabot sa mahigit P300K halaga ng iba’t ibang uri ng cellpones, laptop ang tinangay ng mga suspek .

Sa ulat ng pulisya, alas-3:25 ng madaling araw nang pasukin ng mga ‘di nakilalang suspek ang CMIKEE Cellphone and Accessories Store sa Brgy. Lucsuhin Ibaba ng nasabing bayan.

Winasak ng mga ‘di kilalang suspek ang padlock ng rollup ng shop at sa loob lamang ng ilang minuto ay kinulimbat ang mga cellphone na kinabibilangan ng 6-units ng iPhone, 12 units ng Oppo, isang Vivo, 4 Uniltel, 5 Realme, 4 Techno, at 5 Infinix, kasama pa ang 2-units ng Lenovo laptop at isang Xiaomi Tablet.

Sa pahayag ni Mariano Castillo, store manager, 32-anyos, alas-11 umano ng umaga nang kanilang madiskubre ang panloloob sa kanilang shop.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang pulisya at nanganga­lap na din ng CCTV ­footage sa lugar upang matukoy ang mga suspek.

vuukle comment

PAGNANAKAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with