^

Probinsiya

Problema sa mga housing units sa Bulacan, reresolbahin ng NHA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bibigyang solusyon ng National Housing Authority (NHA) ang ilang mga problema sa mga programang Pabahay ng ahensiya sa Bulacan.

Personal na nagtungo sa iba’t ibang housing units si NHA Asst. General Manager Alvin Feliciano upang tingnan at suriin ang mga Pabahay na dapat malapatan ng kaukulang solusyon.

Katuwang ni AGM Feliciano si Bulacan District  Manager Fatima dela Cruz, inaksyonan ang isyu ng tubig, kuryente, pagkansela ng award at amortization ng mga benepisyaryo sa mga housing project  ng NHA sa Pandi, Bulacan na Logia ng Kakarong Resettlement Project, na nasa Brgy. Real De Cacarong; Bulacan-Angat Heights 2 Resettlement Project, Brgy. Cacarong Matanda; Villa Lois AFP/PNP Housing Project, Brgy. Siling Bata; Pandi Heights BJMP/BFP, Brgy. Cacarong Matanda; Padre Pio Resettlement Project, Brgy. Cacarong Bata; Pandi Residences 1, 2 at 3 Resettlement Projects, Brgy. Bagong Barrio at Brgy. Mapulang Lupa; Villa Elise Resettlement Project, Brgy. Masuso; Pandi Village 1 at 2 Resettlement Projects sa Brgy. Siling Bata at Brgy. Mapulang Lupa; Pandi Encamp One, Brgy. Mapulang Lupa; at Pandi Village 2 (Expansion Area) Resettlement Project, Brgy. Mapulang Lupa.

Una nang binisita ni Feliciano ang  10 resettlement sites sa  San Jose del Monte particular sa  Plea­sant View Residences, Graceville Garden Village, Heroes Ville 1, Heroes Ville 3, Towerville Phase 6, Pabahay 2000, San Jose del Monte Heights, St. Joseph Ville, Towerville Phase 1-5 & Rising City at Sapang Palay.

Binigyang diin ni Feliciano na nais matiyak ng ahensiya na magiging maayos ang pamumuhay ng mga benepisyaryo ng Pabahay ng ahensiya tuloy maging produktibong mamamayan  sa bawat komunidad na ginagalawan.

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with