^

Probinsiya

2 patay sa road mishap sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 patay sa road mishap sa Bulacan
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Marvin Bognot, 24, binata, residente ng Brgy. Maguinao ng naturang bayan.
Graphic by Philstar / John Villamayor

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider matapos aksidenteng sumalpok sa kasalubong na bus sa kasagsagan ng malakas na ulan sa bayan ng San Rafael.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Marvin Bognot, 24, binata, residente ng Brgy. Maguinao ng naturang bayan.

Sa report ng pulisya, alas-10:50 ng gabi nitong Hulyo 8, habang binabagtas ng bus ang southbound lane na minamaneho ni Ronaldo Cruz, 43 ay aksidenteng nakasalpukan ang motorsiklong Honda TMX pagsapit sa Cagayan Valley Road, Brgy. San Roque. Isinugod ang rider ng rescue team sa ospital subalit binawian ng buhay.

Sa naturang lugar pa rin, ilang minuto lang ang lumipas ay nahagip naman ng rumaragasang puting Toyota Fortuner na paluwas ang tatlong sasakyang Honda Click na minamaneho ng isang Amiel Sebastian, Honda TMX Alpha na minamaneho ni Jayson Gonzeles na may kaangkas at isa pang motorsiklong minamaneho ni John Eric Castro na kapwa pa northbound.

Dahil dito, tumilapon ang mga rider at back rider ng mga motorsiklo at nagtamo ng matin­ding pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan na ikinasawi ni Amiel.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with