^

Probinsiya

19 bomb experts ng PNP, BFP, PCG, Marines personnel nasabugan!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
19 bomb experts ng PNP, BFP, PCG, Marines personnel nasabugan!
Mabilis na inilagay sa stretcher ang isa sa wa- long sugatang miyembro ng disposal team ng PNP at BFP na nasabugan ng mga paputok na umano’y sabay-sabay nilang sinilaban sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City kahapon ng hapon.
John Unson

Pagdispatsa ng mga paputok, nauwi sa trahedya..

COTABATO CITY , Philippines — Nasa 19 kasapi ng dispo­sal team mula sa Philippine National Police-Explosive and Ordnance Division (PNP-EOD), firemen ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Marines personnel ang sugatan nang mauwi sa malakas na pagsabog at trahedya ang kanilang isinasagawang pagdidispatsa ng mga firecrackers at pyrotechnics sa isang bakanteng lote sa Zamboanga City nitong hapon ng Lunes.

Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Office, nasugatan ang anim na pulis, tatlong kasapi ng PCG, limang taga-BFP at limang Marines nang magkaroon ng biglang pagsabog sa mga paputok na nakahanay na sa isang bakanteng lote sa Purok 2, Barangay Cabatangan sa Zamboanga City, kung saan mayroong firing range ang Philippine Marine Corps.

Sa pahayag ng mga barangay officials at mga imbestigador ng Zamboanga CPO, nasa walo ang mga nasugatan sa naturang insidente, ilan sa kanila ay mga kasapi ng BFP, Philippine Coast Guard at mga pulis na bomb disposal experts.

Ayon kay Brgy. Cabatangan Chairpman Allan Dagon, una nang pinaalalahanan ang mga operatiba na dahan-dahanin ang pagdidispatsa, subalit tila nagmadali ang disposal team dahil na rin sa pinangangambahang pagbuhos ng ulan kung kaya sabay-sabay umanong sinilaban nilang ang mga nakahilerang paputok.

Ilang sandali lang sunud-sunod ang pagsabog ng mga paputok at nasapol ang mga miyembro ng nasabing disposal team.

Nagsanhi naman ng matinding panic sa mga residente ang malakas na pagsabog sa mga taong nasa kapaligiran.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang awtoridad sa insidente.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with