^

Probinsiya

POGO iba-ban sa Bulacan, ordinansa ikinakasa

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
POGO iba-ban sa Bulacan, ordinansa ikinakasa
Sa ginanap na pagdinig ng komite kama­kailan sa Benigno Aquino Session Hall sa lungsod na ito, tinalakay ng Sangguniang Panlalawigan ang panukalang Provincial Ordinance No. 012-2024, “An Ordinance Prohibiting Philippine Offshore Gaming Ope­rations (POGOs) within the territorial jurisdiction of the Province of Bulacan,” partikular ang mga alituntunin at tagubilin sa pagbabawal ng POGO sa lalawigan gayundin ang mga mabuting epekto at hadlang sa pagbabawal ng POGO sa probinsya.
Vallery Hache / AFP

MALOLOS CITY, Philippines — Itinutulak na ng 11th Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Vice Governor Alexis Castro, ang pagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa lalawigan.

Sa ginanap na pagdinig ng komite kama­kailan sa Benigno Aquino Session Hall sa lungsod na ito, tinalakay ng Sangguniang Panlalawigan ang panukalang Provincial Ordinance No. 012-2024, “An Ordinance Prohibiting Philippine Offshore Gaming Ope­rations (POGOs) within the territorial jurisdiction of the Province of Bulacan,” partikular ang mga alituntunin at tagubilin sa pagbabawal ng POGO sa lalawigan gayundin ang mga mabuting epekto at hadlang sa pagbabawal ng POGO sa probinsya.

Nakasaad sa draft ng ordinansa na naniniwala ang pamahalaang panlalawigan na higit na nakakasama sa lipunan ang operasyon ng POGO kung ikukumpara sa mga benepisyong pang-ekonomiya na dulot nito.

Maliban dito, maaari ring lumala ang mga umiiral na sakit sa lipunan at magdulot ng banta sa pangkalahatang katatagan ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay VG Castro, nagsagawa kamakailan ng joint operations ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Presidential Anti-Organized Crime Commission Task Force (PAOCC-TF) sa mga POGO hubs sa Pampanga at Tarlac at nadiskubre ang ilegal na droga, prostitusyon at online scamming.

Kabilang sa mga dumalo at nagbigay ng kanilang kuro-kuro sina San Rafael Mayor Cholo Violago, San Miguel Ma­yor Roderick Tiongson, Bulacan Police Provincial Office Provincial Director PCol. Relly Arnedo, Malolos City Councilor Emmanuel Sacay at Association of Barangay Chairman Angat Chapter Capt. Alexander Tigas.

Kaugnay nito, naglabas si Bulacan Gov. Da­niel Fernando ng Exe­cutive Order (EO) No. 19 Series of 2024 na nag-uutos sa mahigpit na pagsubaybay sa mga POGO sa lalawigan.

Alinsunod sa EO, inatasan ng gubernador ang lahat ng mga alkalde sa lalawigan na masusing mag-monitor at mahigpit na ipatupad ang pagbabawal ng paglalagay ng POGO sa kanilang area of responsibility.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with