^

Probinsiya

P5.6 milyong sigarilyong imported samsam sa Sulu

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P5.6 milyong sigarilyong imported samsam sa Sulu
Nasa kustodya na ng Sulu Provincial Police Office ang P5.6 million na halaga ng imported cigarettes na nasamsam ng mga pulis sa Patikul, Sulu nitong Huwebes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P5.6 million na halaga ng imported na sigarilyo sa panibagong anti-smuggling operation sa probinsya ng Sulu sa Bangsamoro region nitong Huwebes.

Kinumpirma nitong Biyernes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkumpiska ng mga pulis sa naturang operasyon ng 97 na malalaking kahon na naglalaman ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia, natagpuan sa isang imbakan sa isang barangay sa Patikul, Sulu.

Naikasa ang operasyong nag-resulta sa pagkakatagpo ng naturang kontrabando at pagkakaaresto ng isang lalaking nagbabantay nito sa tulong ng mga impormanteng Tausug community leaders sa Patikul, hindi kalayuan sa bayan ng Jolo, ang kabisera ng Sulu.

Ayon kay Tanggawohn ang mga imported na sigarilyong nasamsam sa naturang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga kasapi ng Patikul Municipal Police Station, ng Sulu Provincial Police Office at ng mga tropa ng Regional Mobile Force Battalion ng PRO-BAR, ay nakatakda ng ipa-kustodiya sa Bureau of Customs.

Hindi bababa sa P200 million nang halaga ng mga sigarilyong mula sa Indonesia ang nakumpiska ng iba’t ibang police units sa Sulu sa mga serye ng anti-smuggling operations nitong nakalipas na dalawang taon.

vuukle comment

SULU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with