^

Probinsiya

Sekyu pinatay, ibinaon sa fishpond

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Hindi tuluyang naitago ng ‘di nakilalang suspek ang ginawang karumal-dumal na krimen nang lumitaw ang likurang bahagi ng katawan ng isang security guard na kanyang pinatay at ibinaon sa isang fishpond sa bayan ng Kawit, dito sa lalawigan, kamakalawa.

May malaking taga sa ulo at kamay ang biktima nang matagpuan na kinilalang si Rommel Alilio Manalo, security guard ng JKKK
Security Agency.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:10 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Kawit Police mula sa security department ng JKKK Security Agency hinggil sa pagkakatagpo sa isang palaisdaan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7 ng umaga nang madiskubre ang katawan ng biktima na nakabaon sa isang fishpond sa isang barangay sa Kawit. May nakita rin na tuyong dugo sa likurang bahagi ng logbook ng biktima at sa coffee kettle nito.

Nakitaan din ng malaking taga sa ulo at kamay ang biktima na senyales na posibleng sinalag pa nito ang pagta­ga sa kanya ng suspek.

Malaki rin ang hinala ng pulisya na kilala ng biktima ang suspek.

Upang maitago ang krimen, ibinaon ng suspek ang bangkay sa fishpond subalit lumutang ang likurang bahagi nito.

vuukle comment

SECURITY GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with