^

Probinsiya

3 paslit na magkapatid patay sa sunog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong magkakapatid na paslit ang namatay habang dalawa pa ang sugatan matapos lamu­nin ng apoy ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dalusan, Maasin, Iloilo.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Maasin BFP, iniwan ng mga ma­gulang sa kanilang bahay ang mga anak na may edad 1, 4, 5, 8, at 12 taong gulang para pumunta sa lamay sa kanilang kapitbahay.

Laking gulat ng mga magulang ng mga biktima nang makitang naglala­­gablab ng apoy at nilalamon na ang kanilang bahay.

Wala ng magawa ang magulang kundi magsisigaw at tawagin ang mga anak sa gitna ng nagla­lagablab na sunog.

Sa pagsisiyasat ng Maasin BFP, natutulog­ ang magkakapatid at hindi kaagad nakalabas sa kanilang nasusunog­ na bahay ang 4 at 5 taong gulang na mga bata dahil sa may kapansanan na polio at 1 taong gulang na dahil hindi pa masyadong  nakakapaglakad.

Nakalabas sa kanilang nasusunog na bahay ang dalawang bata na may edad 8 at 12 pero nagtamo din ang mga ito ng paso sa katawan na kaagad isinugod sa ospital.

Sinasabing sa isang siga malapit sa kanilang bahay­ ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with