^

Probinsiya

NPA lider sa Sorsogon, utas sa engkuwentro

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta ang pinakalider ng New People’s Army (NPA) sa Sorsogon nang makaengkwentro ang mga sundalo sa bulubunduking lugar ng Brgy. Biriran, Juban, Sorsogon kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na terorista ng kanyang mga kaanak na si Jose Arnel Estiller, alyas “Ka Mando/Ariston”, lider ng Larangan 2, Komite Probinsyal 3, at kasalukuyang secretary ng Sub-Re­gional Committee 3 ng NPA Bicol Regional Party Committee.

Sa ulat ng 9th Infantry Division ng Philippine Army habang nagsasagawa ng military operation ang mga sundalo mula sa 22nd Infantry Battalion nang mamataan ang tatlong komunista sa pamumuno ni Astiller na nagkukubli sa isang bahay kubo.

Agad nagkaputukan ang magkabi­lang panig na umabot ng 30 minuto hanggang masapol ang lider ng NPA na agaran nitong ikinasawi habang tumakas ang dalawang kasama nito.

Nabawi ng mga sundalo sa lugar ng engkwentro ang isang M653 Assault Rifle, mga bala at iba’t ibang personal na gamit ng mga komunista.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with