^

Probinsiya

Bebot kinatay ng kasamang lalaki sa hotel

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay na nang madis­kubre ang isang babae sa loob ng silid ng inupahang hotel habang hindi na makita ang lalaki na kasama nitong nag-check-in sa Solfacio Hotel, Brgy. Zapote 1, Bacoor City, Ca­vite, kahapon.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng edad na 40-50 habang ang suspek na si alyas Rommel ay nakilala nang maiwan nito sa receptionist counter ang kanyang bag sa pagtakas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:57 ng madaling araw nang mag-check-in ang biktima at suspek sa Room 304, ng nasabing hotel.

Ayon sa staff ng nasabing hotel, 12 oras ang binayaran ng mga ito sa pag-check-in at alas-6:30 ng umaga ay bumaba ang suspek bitbit ang kaniyang back pack at sinabi sa receptionist na bibili lamang umano siya ng almusal.

Napansin umano ng receptionist na tila kakaiba ang kilos ng suspek kung kaya tinanong ito ayon na din sa sinusunod na protocol ng nasabing hotel.

Subalit, bigla na uma­nong nagtatakbo ang sus­pek palabas ng hotel at naiwan ang bag kaya’t siya ay nakilala.

Dito na agad na tinu­ngo ng mga staff at roomboy ang kuwarto ng mga ito at dito ay nakita nila ang duguang bangkay ng biktima sa ibabaw ng kama at patalim na ginamit sa pagpatay.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with