^

Probinsiya

Trike driver patay sa pamamaril

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang tricycle driver nang pagbaba­rilin ng hindi pa kilalang salarin sa Tanay, Rizal, kama­kalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Joel Magdaong, 46, residente ng Liro Homes, Sitio Malapapaya, Brgy. Sampaloc, Tanay.

Nakatakas naman ang suspek na inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, alas-7:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Liro Homes, Sitio Malapapaya, Brgy. Sampaloc, sa Tanay.

Sa salaysay ng saksi, nabatid na kasalukuyan umano siyang nasa loob ng kanilang bahay nang makarinig ng tatlong sunud-sunod na putok ng baril. Nang alamin ang pinagmulan ng putok, dito na umano niya nakita ang biktima na nakahandusay sa daanan.

Kaagad nilang ipinaalam ang insidente sa mga pulis upang maimbestigahan.

vuukle comment

PAMAMARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with