^

Probinsiya

4 kawatan ng negosyante sa Laguna tukoy na, ‘di PDEA agents

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines — Natukoy na ng mga elemento ng Sta. Rosa Police Station ang umano’y apat na armadong lalaki na nagpanggap na PDEA na nanloob sa bahay ng isang negosyante at kumulimbat ng P.6 milyon na cash at alahas sa Sta. Rosa City ng lalawigang ito noong Sabado ng gabi.

Ayon ay PDEA-Calabarzon spokesman Mary Ann Mahilom-Lorenzo, lumalabas sa imbestigasyon na hindi miyembro ng PDEA4A ang apat na lalaking armado.

Sa kabila nito, tutulong aniya ang ahensya sa imbestigasyon na gagawin ng kanilang PNP counterpart sa insidente.

Aniya, maghahain ang ahensya ng kinakailangang reklamo para sa “Usurpation of Authority” dahil sa paggamit ng pangalan ng PDEA.

Sinabi pa ng opisyal na ang mga suspek na iniulat na naaresto ng mga lokal na awtoridad ay hindi miyembro ng PDEA.

Tumanggi naman ang opisyal na magbigay pa ng detalye kaugnay sa pagkakaresto ng mga suspek.

Ayon naman sa pulisya, ang isa sa apat na suspek ay kanilang naaresto ilang sandali matapos pasukin ng apat na armadong lalaki ang bahay ng negosyanteng si Niño Marfil, alyas “Arni”, ng Barangay Sinalhan, Santa Rosa City na natangayan ng P628,000, sari-saring alahas at dalawang mobile phone noong Sabado ng gabi.

Sinabi ng pulisya na kinilala ng mga imbestigador ang dalawa sa apat na armadong lalaki habang dalawa ang hindi pa kilala.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with