^

Probinsiya

Retiradong parak todas sa pamangkin

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Ama ng suspek tigok sa atake 

CAVITE, Philippines — Patay ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng kaniyang sariling pamangkin habang nag-iinuman kahapon ng madaling araw sa Brgy. San Sebastian, Kawit, ng lalawigang ito.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Reynaldo Arca Lontoc, 67-anyos, may asawa, retired PNP personnel at residente ng Brgy. San Sebastian Kawit, Cavite. 

Tumakas naman ang suspek tangay ang armas na ginamit na kinilala sa alyas na “Ed”, nasa hustong gulang, pamangking buo ng biktima at residente rin ng nasabing lugar .

Sa imbestigasyon ni Police Corporal Dennis de Ocampo ng Kawit Police Station, ala-1:05 ng madaling araw habang nag-iinuman ang magtiyuhin kasama ang isa pang kaibigan nang maganap ang krimen.

Nang makarami na ng inom ang biktima, tumayo siya at nagtungo sa kaniyang kotse pero sinundan ng kaniyang pamangkin at dito na siya sunud-sunod na pinaputukan ng baril na agad nasawi na lugar.

Mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang baril na ginamit.  

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong fired cartridge cases habang narekober din ng pulisya sa loob ng sasakyan ng biktima ang isang baril, isang magazine at bala.

Samantala, doble pighati ng pamilya nang biglang atakihin sa puso at binawian din ng buhay sa ospital ang tatay ng suspek nang kanya namang malaman ang ginawa ng kanyang anak na pagpatay sa tiyuhin.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with