^

Probinsiya

Permit ng dealer ng paputok na sumabog, suspendido

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Pansamantalang sinuspinde nitong Lunes ng city government ng Zamboanga ang business permit ng dealer ng mga paputok at pyrotechnics na sumabog sa loob ng imbakan nito na nagsanhi ng pagkamatay ng lima katao at pagkasugat ng 21 iba pa.

Sa pahayag nitong Martes ng mga opisyal ng Police Regional Office-9 at ng Bureau of Fire Protection sa Zamboanga City, ang naturang suspension order ni Mayor John Dalipe ay kasunod ng isang inter-agency meeting hinggil sa madugong insidente nitong Sabado.

Maliban sa pansamantalang pagpapawalang-bisa sa business license ni firecrackers at pyrotechnics dealer Jonathan Chua, inaalam na rin ng mga imbestigador ng Zamboanga City Police Office at ng City Disaster Risk Reduction and Management Office kung ano ang mga kasong maaring isampa laban sa negosyante.

Lima ang nasawi, isa sa kanila ay 3-taong gulang na bata, sa malalakas at sunud-sunod na pagsabog ng naturang ilang toneladang firecrackers at pyrotechnics na nakaimbak sa isang warehouse sa Marquez Drive sa Zamboanga City na nagdulot din ng pagkasira ng naturang gusali at mga bahay sa kapaligiran.

vuukle comment

DISASTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with