^

Probinsiya

Ex-cop sabit sa missing beauty pageant bet, Israeli BF

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ex-cop sabit sa missing beauty pageant bet, Israeli BF
Sinabi ni Capas police chief Lt. Col. Librado Maranang Jr., ang dating pulis na pansamantalang ‘di binanggit ang pangalan ay dating nakatalaga sa Angeles City Police Office.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Isang dating pulis na umano’y middleman ang sinasabing sangkot sa nawawalang Pampanga beauty pageant candidate at sa kanyang Israeli boyfriend sa Tarlac City noong June 21 ng hapon.

Sinabi ni Capas police chief Lt. Col. Librado Maranang Jr., ang dating pulis na pansamantalang ‘di binanggit ang pangalan ay dating nakatalaga sa Angeles City Police Office.

Lumilitaw na huling nakita sina Lopez at Cohen dakong alas-2 ng hapon noong Hunyo 21, at kasunod nito ay natagpuan ang sunog nilang SUV na Nissan Terra sa kahabaan ng Capas-San Jose Road sa Cristo Rey Village alas-2:36 ng umaga noong Hunyo 22.

Kaugnay nito, isang abandonadong SUV na pinaniniwalaang sasak­yan ng mga “persons of interest” sa pagkawala nina Lopez at Cohen ang nadiskubre sa Sitio Barbon, Brgy. Tibag, Tarlac City, Tarlac.

Bandang alas-8:00 noong Linggo ng gabi nang matagpuan ng mga operatiba ng CIDG ang abandonadong sasakyan na naka-parking sa gilid ng isang bahay.

Ang SUV na isang kulay puting Nissan Terra na may plakang NGN 9240 ay pinaniniwalaang ang sasakyan na ginamit sa pagkawala ng magka­sintahan.

Ito ang sinasabing ikatlong sasakyan na nakitang naka-convoy ng sasakyan ng nawawalang magkasintahan at ng middleman, nang magtungo sa binibiling lupa ng dala­wa sa Brgy. Armenia, Tarlac City noong Hunyo 21 ng hapon.

Nakatakda ring i-turnover ang recovered abandoned vehicle sa Highway Patrol Group (HPG) na naka-rehistro sa isang lalaking residente ng Bacoor City, Cavite.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with