^

Probinsiya

Outing nauwi sa trahedya: 2 nilamon ng ilog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

GENERAL NAKAR, Quezon, Philippines — Nauwi sa trahedya ang outing ng isang grupo ng magkakaibigan na dumayo pa mula sa Quezon City matapos na dalawa sa kanila ang nilamon ng ilog hanggang sa malunod kamakalawa ng hapon sa Barangay Maigang ng bayang ito.           

Kapwa patay na ng matagpuan ang mga biktimang sina alyas Ronald, 32, drilling operator, at alyas Mark, 34 grab driver, at kapwa residente ng Barangay Culiat, Quezon City.

 Ayon sa pulisya, nagtungo sa Agos River ang grupo ng mga biktima at naligo.

Bandang ala-1:00 ng hapon ay nakita umano ang dalawang biktima na nagkakakawag at humihingi ng saklolo at kapwa sinikap na sagipin ang isa’t isa su­balit dahilan sa lakas ng current ng tubig at lalim nito ay kapwa lumubog ang dalawa hanggang tuluyang malunod.

Sa tulong ng mga ibang kaibigan at mga rescuer ay naiahon mula sa ilalim ng ilog ang dalawang biktima subalit patay na ang mga ito bago pa madala sa Claro M.Recto District Hospital.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with