^

Probinsiya

4 patay, 14 sugatan sa pagsabog sa bodega ng paputok

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 patay, 14 sugatan sa pagsabog sa bodega ng paputok
Mabilis na tinulungan ng mga rescue teams at responders ang mga biktima ng pagsabog sa bodega ng paputok sa Barangay Tetuan, Zamboanga City nitong Sabado ng hapon. Apat katao ang iniulat na nasawi habang 14 pa ang sugatan sa insidente..
John Unson

COTABATO CITY, Philippines —  Apat ang patay habang 14 na iba pa ang sugatan matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa loob ng isang bodega na may mga nakaimbak na pyrotechnics at firecrackers sa Barangay Tetuan, Zamboanga City nitong Sabado ng hapon.

Sa mga hiwalay na ulat ng mga opisyal ng Zamboanga City Police Office at ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Office, apat katao, isa sa kanila ay menor-de-edad ang mga nasawi sa insidente.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Maagap namang naisugod ng mga emergency responders sa ibat-ibang pagamutan ang 14 kataong nagtamo ng mga sugat sanhi ng mga serye ng pagsabog, ilan sa kanila mga bata at mga babae.

Nag-utos na ang director ng Police Regional Office-9, si Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, ng malalim na imbestigasyon sa insidente.

Tiniyak naman ni Mayor John Dalipe, chairman ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction Management Council, ang ayuda para sa mga pamilya ng nasawi at mga na-ospital sanhi ng insidente.

vuukle comment

ULAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with