^

Probinsiya

Gamit sa pag-torture nadiskubre sa 5 villas sa Fontana Resort

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Gamit sa pag-torture nadiskubre sa 5 villas sa Fontana Resort
Malaki aniya ang posibilidad na bitbit ng mga taong konektado sa illegal POGO (Philippine offshore gaming operator) ang mga kagamitan nang matunugan ang pagsalakay ng mga awtoridad.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na iba’t ibang kagamitan sa pag-torture ang  nakita sa  limang villas sa  Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga.

Kabilang sa mga natagpuan ay ang iba’t ibang uri ng patalim, baseball bats,  tasers o pangkuryente at  retractable batons.

Sa kabila nito ayon kay PAOCC spokesman Winston John Casio, imposible na may tino-torture sa lugar dahil may ilan ding naninirahan doon.

Malaki aniya ang posibilidad na bitbit ng mga taong konektado sa illegal POGO (Philippine offshore gaming operator) ang mga kagamitan nang matunugan ang pagsalakay ng mga awtoridad.

Sinabi ni Casio na batay sa kanilang impormasyon, ang mga villas ay ginagamit umano ng mga business associates ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ang limang  villas ay ginamit na hideouts matapos na salakayin noong Marso ang illegal POGO na Zun Yuan Technology Inc..

Lumilitaw na dito rin  tumakbo o nagtago ang umano’y “boss” ng illegal POGO.

Nasakote ng mga awtoridad sa ginawang raid nitong Huwebes ang  nasa 19 na dayuhan, isang dating pulis at sinasabig security officer ni  Guo. Subalit itinanggi naman ng dating pulis na kilala niya si Guo at may koneksiyon siya rito.

vuukle comment

PAOCC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with