^

Probinsiya

Cooling tower ng ice plant sumabog: Ammonia tumagas!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdulot ng­ pangamba sa mga residente ng isang subdivision ang ammonia leak na nangyari sa isang planta ng yelo dahil sa pagsabog umano ng cooling tower nito sa Los Banos, Laguna kahapon ng umaga.

Batay sa Facebook page ng Brgy. Batong Malake, nakaramdam ng iritasyon, pagluluha at paglabo ng paningin ang mga residente dahil sa ammonia leak sa ice
plant sa Lopez Avenue.

Sinasabing umabot umano hanggang sa Brgy. Mayondon at San Antonio ang amoy ng kemikal.

Sa kabila nito, wala pang naiulat na nasaktan o naospital sa insidente.

Ayon sa kay Los Baños Municipal Fire Marshal Fire Senior Inspector Benjie Caca, nakatanggap sila ng tawag alas-4:45 ng madaling
araw, matapos suma-
bog umano ang cooling tower ng planta ng yelo.

“Bigla na lang daw may sumabog sa cooling tower, eh. Under investigation pa ‘yun namin kung paano ‘yun sumabog bago nag-leak,” ani FSI Caca.

Agad namang rumes­ponde ang isang fire truck ng BFP bago mag-5:30 ng umaga. Duma­ting din ang BFP Special Rescue Force mula sa lungsod ng Calamba.

Pansamantalang pinatigil ang operasyon ng planta habang hindi pa naayos ang cooling tower nito. Ang ice plant ang nagsusuplay ng yelo sa karamihan ng mga kainan at negosyo sa Lopez Avenue at iba pang lugar sa Los Baños.

Ang ammonia ay isang colorless, highly irritating gas at may masangsang na amoy na mapanganib sa tao.

vuukle comment

MAYONDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with